Sinagtala Farm Resort and Retreat Park, Orani, Bataan
Pakibasa lang po:
Hindi po ako konektado sa Sinagtala Farm Resort. Naimbitahan lang po kami dyan. Wala po akong alam tungkol sa pagbo-book ng accommodation, presyo, pagkain, at iba pang serbisyo na binibigay nila. Kung hindi po ninyo makontak ang Sinagtala Farm Resort sa binigay kong mobile number, pasensya na po, hindi ko din po alam kung papaano sila mako-contact. Ang suggestion ko po, at kung talagang gusto ninyong puntahan ang lugar, ay dumertso na po kayo sa kanilang farm at doon makipag-usap.
Pasensya na po at salamat sa pang-unawa.
Sinagtala Farm Resort and Retreat Park, Orani, Bataan
Napakasarap magrelax pagkatapos ng isang nakakapagod na padyak. Lalo na kung sobrang init ng panahon. Yung tipong gusto mong humilata na lang at mag-power nap. O kaya naman ay yung tipong gusto mo ng maligo agad. Minsan naman gusto mo lang ng isang tahimik na lugar para makapag-isip. Eksakto ang Sinagtala Farm Resort and Retreat Park sa Orani, Bataan.
Mapa
Matatagpuan ang Sinagtala Farm Resort and Retreat Park sa Barangay Tala, Orani, Bataan. Hindi mahirap hanapin ang lugar na ito dahil may mga poster o signage ng Sinagtala sa mga kalsada. Humigit-kumulang 20 kms lang ito mula sa Bayan ng Dinalupihan o sa SCTEX. Ito yung mapa:
Sinagtala Farm Resort and Retreat Park, Barangay Tala, Orani, Bataan
Contact Number ng Sinagtala Farm Resort
Kung may tanong po kayo, paki-contact na lang po sila sa number cellphone number na ito: 0920-901-7584.
Trackread
Masuwerte kaming naimbitahan ng organizer ng Mga Bayani Ng Kalikasan Tri-Bataan Municipalities All-Terra Race 2011 para mag-trackread. Kasama namin si Mayor Joel Payumo ng Dinalupihan. Pagkatapos naming pumadyak simula sa bayan ng Dinalupihan hanggang sa Binutas Trail sa Mount Natib, sinamantala namin ang oportunidad na makapag-relax sa Sinagtala Farm Resort and Retreat Park.
Kahit malakas ang ulan at malamig, sige lang kami sa paglalangoy sa malawak at malinis na infinity pool.
Sa background kita ang makapal na gubat ng kabundukan at kung hindi ako nagkakamali, pati ang bayan ng Hermosa o Dinalupihan.
Ang infinity pool ng Sinagtala Farm Resort ang main attraction nito. Sa ngayon kasi under development pa ang lugar. Marami pang itatayong facilities ang may-ari nitong si Chairman Payumo. Pero kung titingnan mo ang kabuuan ng resort, napakaganda at napaka-peaceful. Maraming tanim na halaman at bulaklak sa paligid. Higit sa lahat napapaligiran ito ng makakapal na gubat.
May mga cottages na pwedeng upahan.
Kung gusto mo namang mag-overnight, may mga kuwarto din na pwedeng upahan kahit buong pamilya mo pa ang kasama mo.
May maliit pero modernong simbahan sa loob ng Sinagtala Farm Resort. Hindi ko lang alam kung ito ay Katolikong simbahan.
Sa kabuuan, nag-enjoy talaga kami sa overnight stay namin dito. Salamat sa kay Chairman Payumo at kay Mayor Joel Payumo ng Dinalupihan. Salamat din kay Sir Dennis dahil inasikaso nya kami simula pa lang sa Dinalupihan hanggang sa aming pag-alis. Siniguro nya na nag-enjoy kami.
Kaya kung gusto nyong magbabad sa swimming pool kasama ang kaibigan o kamag-anak, o pumunta sa isang lugar na malayo sa ingay at polusyon ng Kamaynilaan, highly recommended ang Sinagtala Farm Resort and Retreat Park.
Photos of Sinagtala Farm Resort and Retreat Park
-
Clinton de guzman
-
Abby 6andesa
-
nina
-
READ WITH YOUR EYES
-
jomar
-
Lol
-
http://www.facebook.com/yhelaniemartin MHelai ZulUeta Martin
-
joanne c. tanguilan
-
Rowena buenafe Tiglao
-
joan c.
-
disqus_Jq7foMjTJm
-
-
gelo
-
disqus_Jq7foMjTJm
-
-
gelo
-
gelo
-
disqus_Jq7foMjTJm
-
-
nova magora
-
disqus_Jq7foMjTJm
-
-
rhea
-
disqus_Jq7foMjTJm
-
-
superjam
-
disqus_Jq7foMjTJm
-
-
ritch
-
http://none jecky
-
mirei
-
MaxP
-
isaac
-
CuriousPam
-
isaac
-
CuriousPam
-
isaac
-
-
eds
-
shing
-
http://www.facebook.com/melody.banzon Melody Banzon
-
ramir
-
http://www.facebook.com/bernadette.r.guintu Bernadette Rodriguez Guintu
-
-
-
luciana gano
-
edwin c. payumo
-
Wilson Fresas
-
nanette
-
http://www.yahoo.com Rolex T. Corpus
-
helen
-
PauloHalili
-
Jenny
-
kathie
-
Kym
-
Paulo Santos
-
Anonymous
-
AMELITA HOLLIS
-
ace
-
http://bulagpipitbingi.blogspot.com/ Shiela
-
shiela
-
thess morales
-
Enrique D Espin
-
don phillip
-
LANIE
-
Viel Villo
-
Josh
-
http://diverjun23.multiply.com/ Jun Reynales





















